Adjusting to Hong Kong
Welcome
Our gathering is a time for us to help you adapt smoothly to the challenges of adjusting here in HK. May mga aalalay sa iyo. Pwede kang magtanong, magtext, magkwento na pwede mong maging outlet at manalangin kasama mo. Lahat ng unang karanasan ay may halong saya at takot. Ang pagpunta sa HK ay hindi madali para sa unang pagkakataon kesyo single ka o de pamilya. Mawawalan tayo ng lakas ng loob at madaling bibigay. Kailangan natin magpalakasan sa isa't-isa.
Scripture: Jeremiah 29:11
"For I know what I have planned for you, says the Lord. I have plans to prosper you, not to harm you. I have plans to give you a future filled with hope."
We came here for our families and to reach for our dreams. We have plans and goals. But God also has a plan for you, a dream for you. It is NO ACCIDENT that you are here in HK and that you are here in this Tagumpay group. God has a plan to bless you AND to make you become a BLESSING to others.
We challenge you to believe that
God is determined to bless you and give you a future filled with hope AND
God will use you to be a blessing to others
Pray: Let's ask God to fulfill his plan in our lives.
Lesson: Cross-Cultural Adjustment
Ito ay tumutukoy sa lahat ng bago na hinaharap mo dahil sa pangingi- bang-bansa.
Tanong: Mula nang dumating ka, saan ka nanini-bago? Ano ang kakaiba sa kanila?
Halimbawa: pagkain, oras ng kain at tulog, tulugan, pagsasalita ng Ingles at pag-unawa sa pananalita nila, pakikisama at pakikitungo sa mga employers; pag-aalaga ng newborn at bata HK style; pagtrato sa iyo.
May mga dadaanan kang stages sa unang mga buwan mo dito sa HK at mahalagang alam mo ito para mapagtagumpayan mo.
STAGE 1 - Honeymoon Stage or FUN Stage
excited ka at namamangha sa HK. "Nandito na ako sa HK! Dream come true."
Attitude:
Iniigihan ang pagtratrabaho.
Madaling makitungo at magaan makatrabaho
Gustong matuto at nakikinig sa mga payo.
Dahil sa hangad na magustuhan ni amo, madalas nakangiti at "yes ma'm" ang sagot kahit hindi lubusang nauunawaan.
Kapag tumindi ang misunderstanding and miscommunication, pu punta na sa Stage 2.
STAGE 2 - Hostility Stage o FIGHT or FLIGHT Stage
aiyah! Frustration, inis, pagdududa sa amo, paghuhusga (wala man lang syang malasakit), tumitinding takot at pagkabalisa.
yung pagnanasang matuto ay napapalitan na ng kaguluhan ng isip, kawalan ng kumpyansa sa sarili o awa sa sarili (self-pity)
Ramdam na ang pagod di lamang sa katawan kundi sa isip at damdamin.
Naaapektuhan na ang pagtulog, pagtunaw ng pagkain, Ibat ibang sakit ang lumalabas.
Attitude: Fight or Flight
Sila ang mali at malupit.
Sumasagot. Arguing "hk style"
Ako na lang ang parating mali, wala na akong ginawang tama.Ayoko na.
Tahimik at walang imik. Nasa loob ang kulo.
Kesyo Fight o Flight, parehong nagdudulot ng matinding:
Takot at pagdududa sa iba, kawalan ng tiwala. i.e.ako pinag- uusapan nila...
Kawalan ng gana na pag-igihan pa.
Katarantahan at pagiging makakalimutin.
Kawalan ng motivation na mag patuloy at gumagawa ng agarang desisyon na umalis.
Ito ang pinakamahirap at masakit na panahon pero ang magandang balita, natatapos din ang stage na ito. Depende sa iyo kung natuklasan mo kung paano harapin ang bawat sitwasyon at hamon. Depende rin kung kaya mong mag-adjust sa pag-iisip, gawi at pamantayan nila. Kapag nagawa mo ang mga ito, magkakaroon ng kaluwagan ngloob at lakas ng loob na magpatuloy at tumungo sa Stage 3.
STAGE 3 - Humor Stage or FIT Stage
nag-uumpisa ka ng maging relax sa trabaho. Natatawanan mo na ang pinagdaanan mo at kaya mo ng harapin ang mga pagkakamali mo.
mas madali mo nang maunawaan at masunod ang mga instructions ni amo.
Napapaabot sa stage na ito sa pamamagitan ng:
Pagkakaroon mabubuting ng supporta sa mga na aalalay sa ng supporta sa mga iyo
Pagkakaroon ng libangan at sapat na kapahingahan (day-off).
Pagkakaroon ng magandang feedback mula sa amo.
Pananampalataya at taimtim na relasyon sa Diyos.
STAGE 4 - Home Stage
at home ka na dito sa Hong Kong. Umaalalay ka na rin sa ibang bagong salta.
naka-adjust ka na sa pamamalakad, pamantayan at pamamaraan ng HK.
If you worked abroad before, give an example of how you experienced one of these 4 stages: -Honeymoon, Hostility, Humor & Home stage
Saang stage ka ngayon? Paano mo malalampasan ito? Anong 3 bagay ang gagawin mo this week para mas mapaigi ang adjustment mo sa trabaho at pag-iibang bansa?
Magwakas sa panalangin para sa isa't-isa.
Prayer Focus:
Heavenly Father,
Thank you for having a good plan for my life! I believe you want to bless me and give me a future. I believe you want to use me to be a blessing to others. Help me this week to experience your presence and be a blessing to others. Amen